Tuesday, February 14, 2006
Happy V-day, everyone.
Now, for a little humor.You see, back when my Significant Other and I weren't a We, I kept, for therapeutic purposes, a "private" online journal somewhere that select people in my circle of friends knew about. This journ began to be as I started writing my CTA thesis and preparing myself to step into BA Theater Arts-hood. Here, I, um... angsted and mushed my way through a horrible break-up and emotional recuperation and longing for a certain someone I now happily nuzzle and cuddle with on every possible occassion. (Hi, baby. ^_^)
Here, dear readers, may I present you with one of my less saccharine and hopefully funnier posts. This came about when the whole relationship-ready-water-testing between James and I got so wierd that, well, this entry ended up writing itself.
This one goes out to Sir Paolo Manalo, and my anata. Love you, hon.
Hope you enjoy. ^_^
*scream*
AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!
Nakakaloka na itek! Hindi na 'to kaya ng powers koh! Day, di ko kakayanin 'toh!
Kasi naman, sa lahaaaaat ng kaeklatang pwede mong gawin, yung nakakabongga pa yung ginawa mo. Bobo na, gaga pah! Kasi naman, ba't mo namang napagisipang pakinggan ang mga kampon ng kadiliman? At kasi naman, naisipan mo pang maghihinakit at magiinarte ka jan, eh, wa ka namang K para magtatataray at magtatatalak jan ever!
(ala Ruffa Mae) Diii ko na 'to kaya!!!! (with matching tulak ng kamay at boses)
Eh kasi ba naman, day, ba't mo naisipang pasan mo ang daigdig at wala ka namang dapat ika- Susan Roces jan? Hindi ka pa namang Jinky Oda jan, di ka naman kachakahan, at in fairness, di pa naman kayo nakatali sa isa't isa na parang mga alimasag. Wag kang magpakawarla jan sa mga mhin na yan, day, di bagay, wag kang papayag na mangarag ang beauty mo sa mga tienes-tienes na yan.
Eh, so what kung hindi romantic yang Valentine's mo? Hindi ka naman siguro malalagutan ng hininga o sisilab ng parang Campi-in bonfire kung wala kang katukaan o ka- "aylabyu, dong" ng Feb. 14? At care mo kung mayroon nang jowa yang ex mo at sweetie-sweetie sila ever, as if tina-try nilang talbugan yang pinagdaanan nyo? Care mo, As iiiiin!!! Meron ka namang sandamakmak ng caring at intelligent na papang pwede mong takbuhan ng saklolo ng nagdudugo mong puso, at kung may K namang handa rin sila tulungan kang mang-okray at manugod ever! (Mabuhay ang Burol!)
Isa pa: hindi naman kaya ng powers mong basahin ang nilalaman ng utak at puso nya. Hindi mo kayaang magsisisigaw ng "Darna!", hindi mo kayang gawin ang lahat sa balat ng lupa. Kaya wag ka yung madaling manghusga. Malay mo, wala talaga sa kanya yun kasi wala syang pera (kahit anong pang sabihin ni PJ), di sya naniniwala sa Valentines, o mejo nagaalangan sya… o di kaya tumatayming lang… (aru!!! Nagbakasakali pa ang bruha… tse, magtigil ka.)
Tsaka day… ilang beses ko ba kailangang ipa-alala sa iyo… yang thesis mo…. Sure ka na bang susurvive ka nyan? Day, umpisahan mo nang magsususulat jan, at baka maubusan ka ng oras… tsaka, remember mo yang listahan mo? Now is a good time to make him miss you like crazy, davah? So you make hanap-hanap and make sulat-sulat your paper, and you like make limot-limot him muna farah naman siya namang ang magme-make alala-alala you, hanggang sa di niya rin ma-take na wala ka sa tabi nya! O, davah? Ang taray!
hntse, maghunos-dili ka.
Basta. To make the long pangaral short, hold back na muna ang sweetness-sweetness nyo… malay mo, magising syang parang nabaliktad na Prince Charming at siya naman ngayon ang di magkanda-ugagang akap-akapin, yapus-yapusin, at halik-halikan ka! Ay day, ang tanong: IKAW kaya, kaya ba ng powers mong matiis ang ganun? Huh, tignan lang natin…
Ang taray.
















